After 15 years of having a broken family..

Yup! I’ve grown up living with my Nanay (Lola), who obviously raised me up (so well). My Mama & Tatay got seperated when I was 3 years old. I’m not that sure about the reason behind, but all I know is that they’re having difficulties with their relationship that led to their separation.

I grew up being very independent with my life.. Having this mindset that whenever I have problems there’s no so-called “parents” that I can run to. That’s why I’ve been so easily attached to my friends. Where I treat as my family.

After 15 years, here they are, trying to fix things out. Trying to build up the 2nd chance they got. Trying to work things out.

Sa totoo lang, nakakapanibago, kasi aalis kayo ng buong pamilya kayo, sa edad ko namang ‘to di ko pa naranasan yun na may utak na ko, nung bata pa ako, oo. Pero ngayon matanda na ko, ngayon palang ulit.

Awkward pag tinatawag akong “bunso”, awkward pag naghahawakan sila ng kamay sa harap namin, tuwing nag-“I love you” sila sa harap namin. Tuwing sama-sama kaming “complete happy family”. Siguro by time, masasanay din ako.

A planned visit @ Banapple located somewhere in Katipunan.

image

Obviously, twas a meal for two.

image

We ordered main dishes, Chicken Breast Parmigiano

image

and Breaded Fillet of Cream Dory with Honey Thyme Mustard Sauce.

image

Lasagna Roll-Ups for our side dish.

image

Mocha Fudge & Ripe Mango smoothies to satisfy our thirst.

image

And their special banoffee pie for our dessert!!

image

Their prices are a little higher than the usual, but won’t give you any regrets of paying so, satisfaction guaranteed!

Banapple’s one in my top list & favorite restaurants!!

Just a random observation, rant and piece of unsolicited advice:

It’s much more better to blog about yourself, your experiences, your life, your likes, your achievements, anything and everything about you. Instead of blogging about other people’s flaws whom don’t even did anything to you. Cause in the end, it won’t even still make you better.

Use tumblr as a way to express yourself, positive and negative things about you, not to publicize negative things about others. I just don’t understand why do others need to do that.

Blog for yourself, not to degrade other persons.

P.S. This is just an advice, it’s still up to you.

Malapit ng magunaw ang mundo ko. Mundo ko? Siya. Siya yung mundo ko eh. Malapit na atang mawala yung tinuturing kong mundo.

Hindi na nga ito yung kilala kong Ralph, ako kasi yung tipo ng tao na seryoso sa buhay, sa pag-aaral, sa mga plano. Ako yung tipo ng tao na iniiyakan ang mababang grado, school-bahay lang palagi, tamad maggala, takot sa labas, hindi na-eenjoy ang buhay dahil tutok sa pag-aaral.

Pero lahat ng yun nabago, nalalate na ko paminsan-minsan (dahil late na nakakatulog, busy sa kanya, gusto ko siyang kausap), di na gaanong nakikinig sa school (busy sa kanya eh, katext siya, di ko kayang matagal kaming di makapagusap), di na nakakagawa masyado ng project (busy sa kanya, magka-ym kami, gusto kong nagkikita kami sa gabi kahit webcam lang), nakakapagcut-class na din ako (busy sa kanya, umaalis kami, nagda-date kami), tinatanggihan na ang mga gala kasama ang mga kaibigan (mas gusto ko ng sulitin yung oras ko sa kanya).

Puro nalang siya. Siya yung dahilan. Pero alam niyo ba? Wala akong pinagsisisihan dun. Kasi ngayon, wala na kong pakialam sa grades ko, sa totoo lang. Okay lang kahit bumaba ng kaunti yung grades ko. Okay lang. Bakit?

Kasi mas kakaiba yung saya na naidudulot niya sa buhay ko. Kakaiba yung saya kapag siya na yung pinag-uusapan. Nag-iba yung buong buhay ko ng makilala ko siya. Naging masaya. Mas naging masaya. Sobrang naging masaya. At mas gusto ko ‘to.

Oo, madami ako naging mali, madami ako naging kasalanan, madami ako naging pagkukulang, nasaktan ko siya, madaming beses na. Kaya ito ako ngayon, handang tanggapin lahat, handang gawin ang lahat. Wag lang mawakasan ang tinuturing ko na habangbuhay.

Madami kaming plano. Madami kaming gustong gawin sa buhay namin. Madami kaming gagawin ng magkasama. Magtatravel pa kami sa buong mundo. Bibili pa kami ng sarili naming bahay at kotse. Bubuo pa kami ng pamilya namin. Madami pa kaming gagawin, forever kami eh?

Kaya ito ako ngayon, hirap na hirap, takot na takot. Hindi ko makita yung buhay ko na wala siya. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala siya. Ito na yung buhay na pinangarap ko eh, siya na yung pinangarap ko. Isa nalang naman ang hinihiling ko eh, maging kami habangbuhay.

Lagi nilang sasabihin sakin, “Wag ka na ngang malungkot. Madami pa namang rason para maging masaya eh.” Hindi eh, hindi, paano kung yung nag-iisang rason ng pagiging masaya mo eh wala na, pano ka pa sasaya? Siya lang eh. Siya lang talaga yung nakakapagpasaya sakin ng ganito.

P.S. Hindi pala masarap ang luha. Maalat. Wag niyo ng tikman.

The “look-down” pose

Models: Zetinna Idos & Noelle Gatdula

Models: Zetinna Idos & Noelle Gatdula

Photos to be uploaded soon.

Nakangiti ka nga, totoo ba yan? Masaya ka ba talaga?

"Ralph! Kamusta ka naman?"

Paano ko nga ba sasagutin ‘tong tanong na ‘to?
Kung ang magiging batayan ay ang pag-aaral ko, "Uy, okay lang! Medyo medyo busy lang. Pero okay naman grades, kailangan imaintain para sa scholarship. Medyo petiks lang nga ngayong sem kasi wala masyadong ginagawa. Tamad ang mga prof, tamad magsipasok at magsituro."
Kung ang magiging batayan ay sa pamilya, "Okay lang? Hindi ko din alam eh. Ang dami kasing problema dito sa bahay. Lalo na financially, hirap ng ikaw ang nag-babalance ng pera sa bahay niyo. Hirap ng ikaw ang pinapadalhan para sa buong pamilya na. Madaing problema, pinipilit kong maging masaya at maging okay sa harap nila para maayos nalang. Pinipilit kong ngumiti at magpatawa para kahit papaano maging maayos sila. Kami-kami na nga lang ang makakapagpasaya sa isa’t isa. Di pa ba ko gagawa ng paraan para sa kanila?"
Kung magiging batayan ay mga kaibigan, “Swerte ko sa mga kaibigan ko. Madami akong kaibigan, pero ilan lang ang totoo, ilan lang ang tinatrato kong kaibigan talaga, alam ko naman kung sino-sino talagang totoo eh. Ngayon college, naninibago ako, kasi tuwing may problema ako, wala akong mapag-openan, wala akong makwentuhan. Walang nagcocomfort. Walang nakikinig. Ang set-up namin sa college, pagpasok, at magkakasama, pipilitin maging masaya, pipilitin magpanggap na maayos, pipilitin ko pa rin silang mapasaya. Sobrang kakaiba kumpara nung highschool ako, kasi nung highschool ako, kapag may problema, hindi pwedeng hindi paguusapan, hindi pwedeng hindi ioopen, lahat sila susuporta sayo, lahat sila sasalungin ka ng yakap. Ng tanong. Ng pagcomfort. Mapapa-open ka talaga, kasi pinagkakatiwalaan mo sila, at alam mong kahit papaano, matutulungan ka nila.”
Kung ang magiging batayan ay buhay-pagibig, "Masaya. Sobrang saya. Ngayon lang ako nakaramdam ng gantong saya, ng gantong pagmamahal. Yung tipong wala akong gustong makausap, makasama, maisip kung hindi siya. Siya lang, sapat na. Siya lang, buhay ko na. Pero hindi naman natin maiiwasan ang mga problema, andyan na yan, pero hinding hindi ako mapapagod at susuko, kasi hindi ko pagpapalit yung pagmamahal ko para sa kanya para lang sa di pagkakasundo at sa mga away. Pinipilit kong maayos lahat. Halata naman sakin kapag may problema kami, kasi apektado lahat. Apektado ang bawat kilos at galaw ko. Pero kahit ano pa yung mapagdaanan namin, kahit anong problema, kahit anong hirap, ipaglalaban ko. Kasi mahal na mahal ko siya. Lahat naman yan lessons lang eh, yan ang magpapatatag ng relasyon niyo. Nasa sa inyo nalang kung paano niyo siya itatrato. Siya na yung buhay ko. Oo, korny, pero totoo. Naniniwala ako sa forever, kasi gagawan ko ng paraan yung forever na ‘to. Gusto kong magpasalamat sa kanya, kasi siya halos ang dahilan ng pag-ngiti ko, siya lang ang nakakapagpasaya sakin sa pamamagitan ng napakasimpleng bagay, simpleng text, simpleng pag-ngiti. Siya lang. Mahal na mahal ko siya. Gusto ko lang na malaman niyo."
Kung isusumo-tutal ko yung sagot ko sa lahat lahat, isa lang masasabi ko, "Mahirap ang buhay. Pero mas pinipili kong maging masaya. Kinakaya ko lahat ng ‘to. Kasi ito ang magpapa-lakas sakin. Kasi ganito ang buhay, hindi puro saya, kadalasan problema, pero nasa paraan mo yan ng pakikipaglaban. Masaya ako ngayon. Sobra. Nagpapasalamat ako kasi binigay sakin ni Lord lahat ng ‘to. Kaya natin ‘to. Kaya ko ‘to. Salamat."
Namiss ko mag-blog. Sorry ah? Busy na ko eh. May pinagkakaabalahan na.

Kahit anong gawin mong paglaban. Kung siya na mismo yung sumusuko at bumibitaw, gagawin mo pa din lahat, lahat, magbabaka sakali na may pag-asa pa, pero kung wala na talaga, kailangan nalang natin tanggapin. Kahit mahirap. Kahit masakit. Kahit tinrato mo na siya na buhay mo.

-  ralpsalazar (via babaengano)

Mahal kita eh, pasensya ka na kung ipaglalaban ko ‘to.

1 2 3 4 5