Siguro naman kilala niyo kung sino siya? Si Sinteya lang naman. Nung unang nakita ko siya sa meetup pinagkakaguluhan siya, daming nagpapapicture sa kanya, daming nakapalibot. Tapos ako sabi ng sabi sa mga kasama ko na puntahan siya, kaso nahihiya sila kasi nga ang daming tao.

Tapos nung bandang di na siya busy, napagdesisyonan namin ni Kev (whattadeuce) na magpapicture sa kanya. Eh di may picture kami. Nakaakbay pa ko ah. Nakaakbay. Sino pa diyan ang may picture ng nakaakbay sa kanya? Labas niyo yan! Haha. Tapos niloko ni Kev si Sinteya na nahingi ako ng kiss, pero gusto ko naman talaga. Haha. Eh ayun oh, may kissmark pa ko. Kissmark. Oo, galing yan kay Sinteya. Wag kayo! Ano? Sino pa diyan ang may picture na may kiss mark siya galing kay Sinteya? Wala. Kasi tatlo lang kaming merong kissmark galing sa kanya. Kaya asa nalang kayo. Haha!

Bebs! (JBebs kasi tawag niya sakin, Justin Bieber daw kasi, kaya Bebs nalang tawag ko sa kanya) Salamat sa oras kahapon! Di ka lang maganda. Mabait pa. Package na. Haha! Next time ulit ah. May plano pa tayo. ;)

102 Notes | Posted on April 23, 2012
  1. itsinahidos said: Famous :”“”“”“”“”“”“”“”“”“”“”“”>